Tuesday, March 17, 2009

Multiply

Matagal-tagal na akong 'di nagmu-Multiply. Mga ilang buwan din yun. Wala lang, 'pag tinanong mo kung bakit sasabihin ko. Hehe. Napilitan lang ako kanina mag-Multiply kasi 'di ko maaccess yung mga pictures namin noong weekend ng mga kaibigan ko. Tumambay kami doon sa Bonifacio High Street. Kumain kami sa Italianni's at pumuntang Mag:net Cafe para manood ng mga banda. Oo, may pagka-sosyal, no? Naubos nga pera ko eh. Hehe. Ayos naman, masaya ang mga pangyayari. At least ngayon may mga bagong pictures na akong maa-upload, lagi kasi silang may dalang mga camera. Samantalang ako kahit may digicam at dSLR 'di ko naman dinadala. To think nagpapaka-photographer ako ha! Tsk. Andami kong pics na ninakaw sa Multiply nila. Woohoo, ang saya. Maski tuloy kung anu-ano pinagpopost ko na sa Multiply kanina. Medyo ginanahan ako eh. Bukod sa may mga bagong litrato, may isa pa akong dahilan. Kanina, nung muli kong binuksan ang Multiply account ko at chineck kung sino mga napapad at naligaw sa Multiply ko, nakita kong viniew ng former crush ko nung college yung homepage ko. Hay. <3

'Wag kumontra. Alam kong baka aksidente lang niyang napindot ang link ko. Wako care. At least nagkadaupang palad kami kahit sa internet lang.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home